Si EX at ang mga “WHYs”.

Ilan na bang EX ang meron ka? Maganda ba ang paghihiwalay niyo? Friends ba kayo hanggang ngayon? Tinuturing natin silang mga “multo ng kahapon” lalo na kung hindi mabuti ang paghihiwalay niyo. Ang iba naman, hanggang ngayon anino mo pa rin sila na kahit gaano mo pa sila ipagtabuyan o iwasan, andiyan pa rin sila sa tabi mo. Bakit kaya? Sabi ng iba, hindi raw dapat nagiging friend ang mga EX mo. Kasi kung hindi kayo laging mag-aaway tungkol sa nakaraan niyo, eh baka makakagulo lang sila sa mga current relationships niyong pareho o hindi kaya eh makakasagabal lang sila sa paghahanap mo ng bagong love interest. May point naman. Pero kung hindi mo kayang makipagkaibigan sa EX mo, isa lang ang ibig sabihin niyan, mayroon ka pang “unfinished business” sa kanya. Abah, ewan ko sayo! Itanong mo sa sarili mo! Bakit? Why? Oo nga, bakit nga ba? Iilan lang naman ang mga ex ko. Pero lahat naman sila naging mabuting kaibigan hanggang sa mga oras na ito. Hindi naman umabot sa punto na kamuhian namin ang isa’t isa kahit na may iilan sa kanila ay naging mapait ang paghihiwalay namin. Siguro dahil lahat sila nakilala ko bilang kaibigan bago pa kami nagka-ibigan. Hinding-hindi ko makakalimutan noong ginawan ako ni EX ng isang napakagandang article. Oo, hanggang ngayon ay bitbit ko ang article niya at hanggang ngayon, kaya kong i-recite ito sa harapan mo ng walang dalang kopya! Ang tindi, ‘di ba? Sige na nga, ishe-share ko na sa iyo! Ganoon ko siya kamahal noon at eto ang kalalabasan ng sobra niyang pagmamahal sa akin. ***EPITOME OF LOVE… Who can say for certain that love is a normal biological and chemical reaction? Or perhaps the most mystical feeling one can ever feel? What's really substantial is that, it makes a person happy. No matter how scientists argue, love for me is something that lifted me up high and made see the entire world. Love makes the sun shine brighter. Like the sun it gives life to every human being. It makes a sigh half a mile and sleepless nights worthwhile. Love, and the delights of being loved; out of which are built and memories endure. And also, to be treasured up as hints of what shall be hereafter unfolds. Oh, How sweet to me love is! I discovered some sweet little things that made my love dearer part of me... Angels from above gather half their joys. What I still could not fathom is that... who is the right person to love? Is the answer dictated by culture and society, written in the books, forwarded in the text messages, found in the four corners of the school, taught by religion or just a plain CHOICE? Now I live with my own choice. And I live because of who I love. I choose to choose and no other can dictate me. This is my epitome of love…*** Ang ganda, ‘di ba? Masasabi mo kung gaano siya ka-inspire sa pagmamahal sa akin…NOON! Isa siya sa mga mabubuti kong kaibigan hanggang ngayon at sa mga sandaling ito ay kausap ko siya para humingi ng permiso na ilalagay ko ang gawa niya dito sa pahina ko. Pero pumayag man siya o hindi, ipapaskil ko pa rin naman dito. Pero pumayag siya, salamat sa kanya. Pinainggit lang kita kung gaano kasarap ako nagmahal at minahal noon. Sabi sayo eh, hindi lahat ng kahapon ay multo. Ngayon, kailangan na nating bumalik sa kasalukuyan. Bakit nga ba hirap na hirap ang iba na makipag-friends sa kanilang mga nakaraan? Dahil ba may nararamdaman ka pa sa kanila? Hindi mo matanggap na niloko at ipinagpalit ka niya sa iba habang ikaw ay patay na patay na nagmamahal sa kanya? Hindi naman kita agad-agad na husgahan dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang valid reasons mo para i-hate siya. Ang ibang tao, ginagawang official ang pakikipaghiwalay at ang makipagkasunduan sa kanilang mga ex sa pamamagitan ng tinatawag na “CLOSURE”. Hindi naman dapat agad na magaganap ang closure pagkatapos ng break-up. Pero mas nakakabuti ito sa inyong dalawa para mas magaan ninyong haharapin ang sumusunod na mga kabanata ng kanya-kanya ninyong love stories na hango pa sa kwento ng isang romantic pocketbook. Minsan magandang alalahanin si EX at ang mga “WHYs” dahil dito tayo nagsisimulang lumakas at mabibigyan ng panibagong pag-asa upang kilalanin ang mga bagong mechanics sa laro ng pag-ibig. GAME KA NA BA?

Comments

  1. nakikipag friends ako sa mga ex ko pero ayaw nila sakin..hahaha block ako😏😂 MGA..? parang andami, hahaha...dalawa lang naman😊

    ReplyDelete
    Replies
    1. MGA pa rin yun, besh! kasi dalawa sila. kung ayaw nilang makipagfriends sayo, ibig sabihin hindi pa nila nakakalimutan ang kamandag ng kagandahan mo! hindi sila makamove-on sa alindog mo! hehehe

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Selos.

Nang Makita Kang Muli.