Paano Nga Ba Ako Magsisimula?

Masarap pag-usapan ang LOVE. Nakakataba ng puso, nakakapagpasaya, at nakaka-inspire. Pero ang tanong, papaano ko ba sisimulan ang pakikipag-usap sa’yo? Oo, IKAW. Marahil ay hindi tayo magkakilala at hindi ko alam kung anu-ano ang mga gusto mong pag-usapan para tuluyan kang makinig sa akin. Pero gusto kitang maging kaibigan. Yung kaibigan na handang ibigay ang oras at tenga niya para pakinggan ang laman ng puso ko. Papaano tayo magsisimula? May mga bagay na ayaw mong marinig pero lagi namang laman ng isip mo. May mga pagkakataon ding gusto mong makarinig ng mga kuwentong magpapaliwanag ng araw mo, pero walang bibig na gustong magsalita. Gusto kong mapanalunan ang atensiyon mo. Sabihin mo kung ano ang mga gusto mo o dapat na pag-usapan, at ipaparinig ko sa iyo. Magpapakilala na ako. Ako si Besh, isang pahina na may malaking puso para sa pagmamahal, maraming tenga para pakinggan ang hinaing ng isang kaibigan, at may utak na magbibigay ng hudyat sa mga tanong na nasasagot ng OO o HINDI. Ngayon, kilala mo na ako. Hanggang saan at kalian kaya aabot ang pag-uusap natin? Hindi mo yan kailangang sagutin. Bawal ang umasa at mag-foretell ng mga mangyayari sa pagkakaibigan natin. Pagkatapos mong basahin ito, hindi ibig sabihin eh dapat magtiwala ka na sa akin. Ako na ang bahala kung sa paanong paraan ko makukuha ang tiwala mo. Dahl ako naman ang unang nagpahayag na gusto kitang maging friend. Salamat sa pakikinig. Next time, lipat tayo sa ibang lugar para pag-usapan ang araw mo. See you later.

Comments

Popular posts from this blog

Selos.

Si EX at ang mga “WHYs”.

Nang Makita Kang Muli.