Selos.

Maraming daan ang pwedeng tahakin ng selos. Pwedeng patungo sa magandang samahan ng magsing-irog, maaaring patungo ito sa panibagong aral na matututunan tungkol sa inyong relasyon, o hindi kaya eh hudyat na kailangan ng tuldukan ang matamis na karanasan patungo sa isang alaala na lamang. Sino bang scientist ang naka-discover at nagpauso ng selos? Sino kaya sa history ng pag-ibig mula sa mga ninuno natin ang kauna-unahang nakaramdam nito? Wala na tayong pakialam. Basta't ang alam natin, kahit na sino pa ang nakaimbento ng feelings na ganito, eh alam nating normal lamang iyon. Maraming uri ang selos sa ating paligid. May selos sa mga magkakapatid, na kung bakit si ate lang ang binilhan ng magulang niyo ng bagong manyika noong huling pasko at panyo lang ang natanggap mo na nakabalot pa sa kahon ng katol. May selos din sa opisina, kung saan mas laging pinapaboran ni Boss ang mga suggestions ni Employee X kesa kay Employee Y. At may selos sa isang relasyon na nahahati sa dalawang division -- may mabigat na rason o kathang-isip lamang. OK FINE! Sa relasyon tayo magfo-focus dahil iyon naman ang gusto mong mabasa Besh, 'di ba? Madalas kapag nagsisimula sa selos ang isang away, lalo na kapag truth and reasonable ito, ay nauuwi agad sa hiwalayan. Bakit? Dahil tiwala na ang nasira. Tiwala na mahirap ng ipaubaya uli sa taong sumira nito. Sabi nga ng kanta, ang tiwala parang tsokolate na kapag natunaw na, hindi na maibabalik sa original na hugis at mahirap ng kainin dahil mukha ng TA*. Yung iba, takot ng magmahal at magtiwala muli kaya mahirap silang bumalik sa isang relasyon. Mas nade-deprive nila ang sarili nila na maging masaya uli -- ng dahil sa selos. Pero meron pa rin naman mga daredevils na kung mag-take ng risk at second chances ay wagas. 'Yun yung mga taong may mas malawak pa sa kahit anong galaxy ang pagmamahal nila sa isang taong dumurog ng puso nila. Sila yung mga kayang kalimutan o burahin ang mga mapapait na nangyari sa kanila ng minamahal nila alang-alang sa "isa pang pagkakataon", pero sa totoo lang hindi lang talaga nila magawang iwan sila ng taong iyon. May mga selos namang napakalaking gulo ang naidulot pero malalaman sa huli na ito pala ay isa lamang napakalaking "CHAROT". Oo, iyong selos na dulot ng "baka", "what if", at halo-halong mga "tamang hinala" lamang. Madalas ang dami mong maririnig sa taong nagdududa sa'yo. Yuyurakan na niya ang buong pagkatao mo dahil lamang sa mga duda at hinala niya na may iba ka ng gusto o mahal. Pero aminin mo, mas madalas ikaw yung taong iyon na abot pa sa pinakamalayong galaxy at halos banggain pa ang mga satellites sa outer space kung magduda at magselos ng wala namang ebidensiya o katibayan. Diyan na nagsisimula iyong tinatawag nating "stalking". Familiar ka Besh, 'di ba? Oo, gawain mo 'yan lalo na sa mga panahong nanggagalaiti ka na sa galit pero wala ka pa ring nakukuhang patunay na ang isang tao ay makagawa ng krimen. Nakakalungkot lang isipin na sa isang iglap lang, ang pagmamahal at tiwala na kaya mong ibigay sa mahal mo ay pwede rin pa lang mangalawang dahil lang sa duda at selos. So hanggang saan ba aabot ang selos mo, Besh? (Now Playing: Selos by Urban Flow)

Comments

Popular posts from this blog

Si EX at ang mga “WHYs”.

Nang Makita Kang Muli.