Bakit Labis Ka ng TANGA?

Nakakalungkot isipin kapag sinasabi ng ibang tao na “Mas Mabuti pa ang ang pagiging bobo at baliw mayroon pang pag-asa at lunas pero ang pagiging tanga, WALA NA”. Hindi totoo yan. At kalian pa naging sakit ang “katangahan” na anytime pwede mong i-konsulta sa doctor o hindi kaya eh pwedeng bumili ng gamot sa botika para mawala ito? Siya nga pala, ang pagiging “tanga sa pag-ibig” ang tinutukoy ko dito, at hindi yung katangahan na imbis toyo ang bibilhin mo sa tindahan eh asin ang naiuwi mo sa bahay niyo. Bakit nga ba tayo tanga pagdating sa LOVE? Oo, tanga rin ako. At wala akong kilalang sinuman ang nagmahal na hindi naging pabaya sa pag-iisip, nararamdaman, at sa sarili para lang mapunan ang pagtingin sa kanya ng kanyang minamahal. Tanga ako pagdating sa pag-ibig, at ikaw rin. Pero ang maipapayo ko lamang sa mga tangang katulad ko -- MAG-ISIP. Ibig sabihin ay UTAK lamang ang kailangang pairalin at hindi ang iyong balun-balunan o kahit ano pang mga major organs sa katawan mo. UTAK lang. Likas sa atin ang magkamali at gumawa ng mga hindi magandang desisyon na nauuwi sa pagsisisi. Pero ang paggawa ng parehong maling desisyon sa pareho o nag-iisang tao, ibang usapan na yan. Kinakailangan mo ng maranasan ang isang mabigat na initiation na kung tawagin ay “MATAUHAN”. ‘Yung kailangan mo ng makatanggap ng sampal, suntok, tadyak, o paghampas ng ulo mo sa pader para bumalik ka lang sa tamang pag-iisip. TANGA. Ang sakit marinig, hindi ba? Pero mas masakit isipin ‘yung ikaw mismo ang bumubulong sa sarili mo na “Ang tanga ko na, pero mahal ko talaga siya, kaya BAHALA NA”. TANGA!!! Pero ang hirap kontrolin, ‘di ba? Ang daming tanong ang gumugulo sa iyong isipan pero hindi mo kayang sagutin. May mga tanong na kayang-kaya mong i-Solve pero mas pinili mong huwag gawin dahil mas maraming “WHAT IFs” ang umiikot sa loob ng iyong hypothalamus. Pero matanong ko lang, hanggang saan at kalian ba tayo magiging tanga? Kailan tayo hihinto sa kahibangan na dulot ng mga gusto nating mangyari kahit alam nating imposible? Kailan ka mapapagod maging TANGA? Kapag tuluyan ka ng maging bobo at baliw pagkatapos mong ipagpilitan ang sarili mo sa tao o sitwasyon na alam mong wala namang magandang maidudulot sa‘yo? Kapag naisip mo ng sumusobra na ang sakit na binibigay ng mahal mo sayo? Kapag nakatikim ka na ng mga masasakit na salita o mabigat na kamay niya para lang itaboy ka at masabing hindi ka para sa kanya? Hanggang Kailan? Subukan mong isipin ang sarili mo at huwag ang magiging reaction o mararamdaman ng taong minamahal mo. Ikaw ang dapat na tumimbang sa mga naranasan mo upang kaya mo ng magdesisyon ng tama na hindi magsisisi sa huli. Eh ano ngayon kung hanggang dito na lang ang relasyon niyo? Masasagip ba ng katangahan mo ang natitirang respeto mo sa iyong sarili at ang kaligayahan na pwede mo pang mapanalunan? Ang dami ko pa ring tanong, ‘di ba? Marahil hindi ko pa rin natutugunan ang ibang tanong mo tungkol sa mga katangahan na pwede mo pang gawin ngunit iiwanan ko muna sayo itong mga tanong na ito para masagot mong mag-isa. Ikaw lamang ang makakahanap ng tamang sagot at aksyon sa mga tanong mo. Mahirap kapag nasasaktan ka. Mas mahirap kapag nasasaktan ka habang pinapamukha sayo ng mahal mo na tanga ka na sa mga ginagawa mo. Sino ang makakasagot sa mga tanong mo at mga tanong ko? IKAW lang. Maging malakas ka, lalung-lalo na ang pag-iisip mo sa mga panahong kailangan mo ng alamin kung aatras o ipagpapatuloy mo pa ba ang laban. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay talo ang umaatras at panalo o matatawag na matapang ang tumutuloy sa laban. Kasi hindi naman sa lahat ng oras, may laban ka pang dapat na isulong para manalo. Minsan, umatras ka lang, panalo ka na. Magulo pa rin ba ang isipan mo? O mas lalong gumulo ang sitwasyon dahil sa mga sinabi ko? Kung wala sa mga tanong ko ang gusto mong sagutin, sabihan mo lang ako at bukas bibigyan kita ng multiple choice na pagsusulit. ‘Yung walang tama o maling sagot pero wala ring kasiguraduhan kung makakapasa ka o hindi. Parang hindi ko gets 'yung mga sinabi ko. Tanga kasi eh.

Comments

  1. Natawa ako sa huling sinabi mo besh🤣🤣 usapang TANGA, madami ako nyan pero tinapon ko na😊 wala naman kasi batas nagsasabi bawal magpaka tanga normal lang yan sa taong nagmamahal, pero yung mawalan kana ng respeto sa sarili mo, ay level up ang katangahan besh ! wag nang paabutin sa ganung level....LOVE YOURSELF, itapon ang katangahan at irampa ang kagandahan😍🤣🤣

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ramdam na ramdam ko ang pinagdadaanan mo, Besh! Halata sa pangangatwiran mo! ahahaha

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Selos.

Si EX at ang mga “WHYs”.

Nang Makita Kang Muli.