Nang Makita Kang Muli.
Huy, Kumusta ka? Akala ko hindi ka na uli makikipagkita sa akin. Alam ko napakaaga pang itanong ito, pero kumusta ang puso mo? Single? In-love ka ba ngayon? Kaka-Break niyo lang? Iniwan at niloko ka ba niya? Ikaw ba ang nagkasala at nagkulang? Hindi ka ba mahal ng mahal mo at may iba siyang nagugustuhan? Hindi ka pa rin nakakapagMove-on sa dating relationship? Ano man ang sagot mo sa mga tanong ko, bubuweltahan kita agad ng “OK LANG ‘YAN”. Hindi mo kailangang i-kwento lahat sakin, pero marami akong itatanong sa’yo.
Kung Single ka, OK LANG ‘YAN! Masaya man o hindi ang pagiging single mo, basta’t naniniwala ka lang sa salitang LOVE, hindi ka forever na mag-isang haharap sa buhay. May nakalaan para sa’yo. Single ka ba pero in-love? Oo, merong ganoon at marami akong kilala. ‘Yung tipong sarili lang nila ang nakakaalam na “In A Relationship” sila – sa kanilang ILUSYON. Maraming klase ang single. Oo, kung inaakala mong MASAYA at MALUNGKOT lang ang klase ng single, eh nagkakamali ka. Saan ka ba nanggaling at huling-huli ka na sa evolution? Alam mo bang si “single” ang pinakamagaling na nilalang sa buong mundo? Dahil siya lang ang may karapatang maging flexible. In short, siya lang ‘yung pwedeng makipaglandian kahit kanino. Yes, you’ve read it right… KAHIT KANINO -- sa kapwa niya single, sa may syota pero nagpapanggap na single, sa alam niyang may syota na, at minsan sa may asawa. OUCH! OOOPS, BAWAL ANG JUDGMENTAL!!! Pero may choice pa rin naman si single na maging “not ready to mingle” pero happy. Madalas nga lang, kinakain din nila agad yung choice na ‘yun. Ang sarap daw kasi kapag may minamahal ka at may nagmamahal sa'yo.
In-love ka ba ngayon? OK LANG ‘YAN! Huwag na huwag mong basta na lang babanggitin ‘yan sa mga “bitter” mong friends, na mas gugustuhin pang ugaliin ang pagiging mapait na ampalaya kesa kainin ito. For sure, makakatanggap ka lang ng malutong na “MAGHIHIWALAY DIN KAYOOOO!!!”. Nakakainis ‘diba? Pero kung nagmamahal ka man ngayon, masaya ako para sa’yo. But as early as now, I will have to burst your bubble right away. Hindi palaging masaya ang nagmamahal at minamahal. Huwag kang umasa agad na kaya niyang ibigay sa iyo ang mga bituin, buwan, at kung anu-ano pang heavenly bodies na galling pa sa kung saan-saan na galaxy, lalung-lalo na kung kahapon lang kayo naging mag-ON. Ang masasabi ko lang sa’yo, i-enjoy mo ang bawat moment na magkasama kayo. Kilalanin mo siya ng husto para malaman mo kung siya na ba ‘yung tunay na gusto mong katabi at mamahalin ng pangmatagalan. Lagi mong iisipin ang mga magagandang nangyayari ngayon at kung papaano ninyo malalagpasan ang mga hamon na darating sa samahan ninyo. Chill lang.
Kaka-Break niyo lang? Iniwan at niloko ka ba niya? Ikaw ba ang nagkasala at nagkulang? Hindi ka ba mahal ng mahal mo at may iba siyang nagugustuhan? Hindi ka pa rin nakakapagMove-on sa dating relationship? OK LANG ‘YAN! MAGIGING OK RIN ANG LAHAT. Kailan? Hindi ko alam, pero kaya mo. Dahil hindi lang ikaw ang nakatikim ng ganyang pagsubok. Pero pakiusap naman, kapag napadaan ka sa ganyang pagkakataon, dumaan ka lang. HUWAG KA NG TUMAMBAY. Mas masasaktan ka lang at maging mapait. Hindi masama ang maniwala sa “Walang Forever”, lalo na kung basis mo lamang ito para hindi umasa ng husto sa taong minamahal mo ngayon. Totoo man o hindi ang “FOREVER”, masarap pa rin ang magmahal at hindi mo masasabi kung kalian ka puwedeng huminto sa pagmamahal. Kahit pa nanggaling ka sa malagim, masalimuot, masakit, at mahirap na relasyon, hindi mo dapat ugaliin ang pagiging “bitter”. Dahil kahit ano pa ang kinahinatnan ng love story mo, naging masaya ka, naging mapagbigay ka, at higit sa lahat, naramdaman mo ang magmahal at minahal, kaya wala kang takas sa muli ninyong pagkikita ng LOVE.
Masyado na ba akong maraming nasabi? Sabi sa’yo masarap pag-usapan ang LOVE. Makikinig ka pa ba sa susunod?
Comments
Post a Comment