Posts

Showing posts from September, 2018

Si EX at ang mga “WHYs”.

Ilan na bang EX ang meron ka? Maganda ba ang paghihiwalay niyo? Friends ba kayo hanggang ngayon? Tinuturing natin silang mga “multo ng kahapon” lalo na kung hindi mabuti ang paghihiwalay niyo. Ang iba naman, hanggang ngayon anino mo pa rin sila na kahit gaano mo pa sila ipagtabuyan o iwasan, andiyan pa rin sila sa tabi mo. Bakit kaya? Sabi ng iba, hindi raw dapat nagiging friend ang mga EX mo. Kasi kung hindi kayo laging mag-aaway tungkol sa nakaraan niyo, eh baka makakagulo lang sila sa mga current relationships niyong pareho o hindi kaya eh makakasagabal lang sila sa paghahanap mo ng bagong love interest. May point naman. Pero kung hindi mo kayang makipagkaibigan sa EX mo, isa lang ang ibig sabihin niyan, mayroon ka pang “unfinished business” sa kanya. Abah, ewan ko sayo! Itanong mo sa sarili mo! Bakit? Why? Oo nga, bakit nga ba? Iilan lang naman ang mga ex ko. Pero lahat naman sila naging mabuting kaibigan hanggang sa mga oras na ito. Hindi naman umabot sa punto na kamuhian namin an...

Bakit Labis Ka ng TANGA?

Nakakalungkot isipin kapag sinasabi ng ibang tao na “Mas Mabuti pa ang ang pagiging bobo at baliw mayroon pang pag-asa at lunas pero ang pagiging tanga, WALA NA”. Hindi totoo yan. At kalian pa naging sakit ang “katangahan” na anytime pwede mong i-konsulta sa doctor o hindi kaya eh pwedeng bumili ng gamot sa botika para mawala ito? Siya nga pala, ang pagiging “tanga sa pag-ibig” ang tinutukoy ko dito, at hindi yung katangahan na imbis toyo ang bibilhin mo sa tindahan eh asin ang naiuwi mo sa bahay niyo. Bakit nga ba tayo tanga pagdating sa LOVE? Oo, tanga rin ako. At wala akong kilalang sinuman ang nagmahal na hindi naging pabaya sa pag-iisip, nararamdaman, at sa sarili para lang mapunan ang pagtingin sa kanya ng kanyang minamahal. Tanga ako pagdating sa pag-ibig, at ikaw rin. Pero ang maipapayo ko lamang sa mga tangang katulad ko -- MAG-ISIP. Ibig sabihin ay UTAK lamang ang kailangang pairalin at hindi ang iyong balun-balunan o kahit ano pang mga major organs sa katawan mo. UTAK lang. ...

Nang Makita Kang Muli.

Huy, Kumusta ka? Akala ko hindi ka na uli makikipagkita sa akin. Alam ko napakaaga pang itanong ito, pero kumusta ang puso mo? Single? In-love ka ba ngayon? Kaka-Break niyo lang? Iniwan at niloko ka ba niya? Ikaw ba ang nagkasala at nagkulang? Hindi ka ba mahal ng mahal mo at may iba siyang nagugustuhan? Hindi ka pa rin nakakapagMove-on sa dating relationship? Ano man ang sagot mo sa mga tanong ko, bubuweltahan kita agad ng “OK LANG ‘YAN”. Hindi mo kailangang i-kwento lahat sakin, pero marami akong itatanong sa’yo. Kung Single ka, OK LANG ‘YAN! Masaya man o hindi ang pagiging single mo, basta’t naniniwala ka lang sa salitang LOVE, hindi ka forever na mag-isang haharap sa buhay. May nakalaan para sa’yo. Single ka ba pero in-love? Oo, merong ganoon at marami akong kilala. ‘Yung tipong sarili lang nila ang nakakaalam na “In A Relationship” sila – sa kanilang ILUSYON. Maraming klase ang single. Oo, kung inaakala mong MASAYA at MALUNGKOT lang ang klase ng single, eh nagkakamali ka. Saan k...

Paano Nga Ba Ako Magsisimula?

Masarap pag-usapan ang LOVE . Nakakataba ng puso, nakakapagpasaya, at nakaka- inspire . Pero ang tanong, papaano ko ba sisimulan ang pakikipag-usap sa’yo? Oo, IKAW. Marahil ay hindi tayo magkakilala at hindi ko alam kung anu-ano ang mga gusto mong pag-usapan para tuluyan kang makinig sa akin. Pero gusto kitang maging kaibigan. Yung kaibigan na handang ibigay ang oras at tenga niya para pakinggan ang laman ng puso ko. Papaano tayo magsisimula? May mga bagay na ayaw mong marinig pero lagi namang laman ng isip mo. May mga pagkakataon ding gusto mong makarinig ng mga kuwentong magpapaliwanag ng araw mo, pero walang bibig na gustong magsalita. Gusto kong mapanalunan ang atensiyon mo. Sabihin mo kung ano ang mga gusto mo o dapat na pag-usapan, at ipaparinig ko sa iyo. Magpapakilala na ako. Ako si Besh , isang pahina na may malaking puso para sa pagmamahal, maraming tenga para pakinggan ang hinaing ng isang kaibigan, at may utak na magbibigay ng hudyat sa mga tanong na nasasagot ng OO o HI...