Si EX at ang mga “WHYs”.
Ilan na bang EX ang meron ka? Maganda ba ang paghihiwalay niyo? Friends ba kayo hanggang ngayon? Tinuturing natin silang mga “multo ng kahapon” lalo na kung hindi mabuti ang paghihiwalay niyo. Ang iba naman, hanggang ngayon anino mo pa rin sila na kahit gaano mo pa sila ipagtabuyan o iwasan, andiyan pa rin sila sa tabi mo. Bakit kaya? Sabi ng iba, hindi raw dapat nagiging friend ang mga EX mo. Kasi kung hindi kayo laging mag-aaway tungkol sa nakaraan niyo, eh baka makakagulo lang sila sa mga current relationships niyong pareho o hindi kaya eh makakasagabal lang sila sa paghahanap mo ng bagong love interest. May point naman. Pero kung hindi mo kayang makipagkaibigan sa EX mo, isa lang ang ibig sabihin niyan, mayroon ka pang “unfinished business” sa kanya. Abah, ewan ko sayo! Itanong mo sa sarili mo! Bakit? Why? Oo nga, bakit nga ba? Iilan lang naman ang mga ex ko. Pero lahat naman sila naging mabuting kaibigan hanggang sa mga oras na ito. Hindi naman umabot sa punto na kamuhian namin an...