Selos.
Maraming daan ang pwedeng tahakin ng selos. Pwedeng patungo sa magandang samahan ng magsing-irog, maaaring patungo ito sa panibagong aral na matututunan tungkol sa inyong relasyon, o hindi kaya eh hudyat na kailangan ng tuldukan ang matamis na karanasan patungo sa isang alaala na lamang. Sino bang scientist ang naka-discover at nagpauso ng selos? Sino kaya sa history ng pag-ibig mula sa mga ninuno natin ang kauna-unahang nakaramdam nito? Wala na tayong pakialam. Basta't ang alam natin, kahit na sino pa ang nakaimbento ng feelings na ganito, eh alam nating normal lamang iyon. Maraming uri ang selos sa ating paligid. May selos sa mga magkakapatid, na kung bakit si ate lang ang binilhan ng magulang niyo ng bagong manyika noong huling pasko at panyo lang ang natanggap mo na nakabalot pa sa kahon ng katol. May selos din sa opisina, kung saan mas laging pinapaboran ni Boss ang mga suggestions ni Employee X kesa kay Employee Y. At may selos sa isang relasyon na nahahati sa dalawang divisi...